Noong estudyante pa ako normal na ang pagkakaroon ng monday sickness o di kaya ay monday blues. Ito ay isang psychological (at minsan ay pathophysiological) manifestation ng katamarang pumasok. Nariyan ang hindi makabangon sa higaan, mabigat na lakad para ayusin ang sarili at minsan pa nga ay biglaang pagsulpot ng sakit, be it normal sickness kagaya ng sakit ng ulo hanggang sa mga exotic na diseases tulad ng whooping cough o rockymountain spptted fever. Di ko mawari na kahit pala sa pagtatrabaho ko ay ma-eexperience ko ito.
Weekends ang day off ko dahil panalo ang team namin sa shift bidding sa floor (way to go Team Rockets!) kaya kaisa ako ng madlang working class na day-off tuwing Saturdays at Sundays. Masaya naman kapag day-off kasi kumpleto ang angkan namin tuwing mga ganung araw. Pero ika nga ni Bette Midler "good things never last" kaya ngayon ay Monday na naman at nilalabanan ko ang sakit kong katamaran. Hindi ko alam kung bakit ako biglang tinatamad pumasok, kaya tuloy marami akong kaltas sa sweldo dahil sa late at lost hours (abangan na lang natin ngayong cut-off dahil nakadalawang lates na ako...birthday ko pa naman huhuhu). Dati rati ok lang naman pumasok sa trabaho, hindi man ako overly excited ay kahit papaano ay looking forward naman akong pumasok at mag-calls. Nauubusan na siguro ako ng motivations para pumasok. Hindi kaya nagsasawa na rin ako sa trabaho ko? O baka napapagod lang ako. Burned out na siguro ako sa 6 months kong pagtatrabaho. Kaka-regular ko pa lang nung May 27 at entitled na ako sa full benefits ng kumpanya. Mukhang tama ang sinabi ng kuya ko sa ate ko dati: "hayaan mo siya magsasawa din yan" . Nagsasawa na ba talaga ako? Ang ikanakatakot ko ay baka iwan ko din to bigla bigla tulad ng ginawa ko sa pag-aaral ko. May tendencies pa naman akong maging impulsive at padalus-dalos sa mga desisyon ko. Siguro parte din ng pagkakaroon ko ng Monday Blues ay ang mga recent changes sa trabaho; natanggal ang mga tier 2 kong kasama na nagpapaganda ng stats ng team, aalis na si Boss Matet (astig pa naman siyang boss! nooo!) at saka naglilipatan na ang mga kasama ko sa PayPal AU. Ang daming nangyayari ngayong buwan. Di lang iyon, sobrang baba ng CSAT's (Customer Satisfaction Surveys) ko; kung dati bilib na bilib sila sa akin at palagi ako nasasama sa Club 100 ngayon ay sobrang bagsak ang running CSAT ko (83.something na lang the last time I checked). Isama mo pa dito ang sobrang taas kong AHT (Average Handling Time)! abot bubong sa taas! Hay nako talaga!
Dati rati madali akong makahanap ng motivation para pumasok. Nandiyang iisipin kong malapit na ang sweldo, malapit ng mag-day off, marami akong bagong natutunan sa bawat calls at kung anu-anu pang motivational excuses pero ngayon parang nauubusan na ako. Pero ngayon, hay...(malalim na buntung hininga)
All of us have bad hair days. i'm just hoping this won't turn out to be a bad hair decade...
Pahingi ng motivation!!!!
No comments:
Post a Comment