Tuesday, June 17, 2008

Thank You Notes

as a promise to myself i will post a "thank you" entry on my blog for my birthday celebration


I am officially 22. Twenty-two years wiser, crazier and more mature (matuer? joke). I really enjoyed the 4 day vacation; no calls, no callers, no avay's no log-ins, just pure relaxation and undisturbed sleep. Sana maulit ulit 'yun. Wala namang "grand" happening nung birthday ko, walang parties or matinding inuman. Though it's a simple celebration I'm just so happy I got to spend it with my family some of my closest friends. So to extend my heartfelt thanks to everyone who made my day (or in this case those days) worthy in my memory slot, I would like to personally thank them (in no particular order)


GOD: siyempre naman! though I'm an atheist at times i know in the back of my mind there is a supernatural force behind my very existence. So God, sorry kung minsan busy ako at wala tayong time mag communicate and of course, maraming salamat sa aking life. To think ako ay isang accidental at unplanned pregnancy hahaha! the world would have been a little less interesting without me di ba Lord? kaya salamat ha ^__^ next year ulit.hehe

FAMILY:
Mama: Ma salamat at pumayag kang wala akong ibigay na sahod ngayong a-kinse hehe. And for that I love you so much. Salamat din at kahit di ako nagbigay ng funds ay nag-effort ka at pinaghanda mo ko ng pansit at kaldereta hehehe! ay lab yu ma! *kiss*

Papa: Pa! happy father's day nung araw na yun ah! double celebration. Salamat naman at hindi ka makulit nung araw na 'yun. At salamat tinext mo pa ako ng birthday greeting. parang hindi tayo magkasama sa bahay ha? hehehe Ay lab yu Pa!

Ate Perly: Ate! salamat sa cake! masarap siya. Di ko nga lang alam kung anong flavor yun at nakakaumay sa sweetness.

Ate Precy: Waaaaahhhh T__T! Musta naman ang Dubai? maraming salamat sa pagtawag! miss ka na namin. Thanks sa Cap at sa Ipod (na peke) sorry naman. Pero i appreciate the effort.

Ate Pen: Wala lang! Ano ba ginawa mo nung araw na 'yun? Wala akong maalala. Anyways salamat sa mga errands hehehe

Kuya: Kuya!!!!! waaahhhhhhhhh!!! salamat at ikaw ang nag shoulder ng mga babayarin ngayong akinse. Okay lang yan ako naman sa katapusan eh hahaha! salamat sa ice cream na two days nang nasa ref at hindi pa maubos ubos. at higit sa lahat, salamat sa (drum roll please....) salamay kay eehpod!!! i love you kuya!!! mwah! pakiss! ahihihihih sa december yung promise kong PSP sa'yo, ilista mo na. Yun ay kung may trabaho pa ako 'nun ha? hehehe salamat kuya...as in SALAMAT! iingatan ko talaga si Eehpodh



Now on to my friends;
PAUL: oy paul! first of all leche ka! ang gastos mo! hayop! hehe okay lang masaya naman yung hang-out natin kahit no response talaga si Ema sa ating dalawa. Thankful ako at hindi ka pa din nagbabago, you're still the same i guy i know back in college...KURIPOT! joke! hindi naman, maasahan lalo na kapag libre (joke ulit) Sorry naman kung tinulugan kita sa ilang parts ng Kung Fu Panda antok na talaga ako tol nun eh. Hindi bale natuwa naman ako sa Kung Fu Panda kaysa sa The Happening. Thanks for the time, I enjoyed it really. Thanks din sa pagbati sa akin ng sakto sa oras (10:05 am) At kahit kailan ikaw ay isang drawing haha! yung ethinc necklace ko by Arnedo nasaan na? sa birthday mo mas bourgeoisie pa tayo ha? hehe (do i smell starbucks?) Thanks paul! regards kay Ate Shawie sa caregiver. yeah!

THE BROTHERHOOD:
Ivy: Ivy salamat sa effort ng pag-organize kahit in the end ay sa Rob lang din tayo bumagsak ayos lang. Na-appreciate ko naman ang organizing efforts mo at ang sandamakmak na Poll Quesitons thru text. Thanks Ivy! maasahan ka talaga. Kahit nung time na 'yun the universe is against us and I was venturing the eye of the storm just to get to Rob, na-appreciate ko naman ang hang-out natin. Until next time friend..Rise to Power!!! Saka nga pala yung christmas gift mo sa akin next christmas mo na lang ibigay. ^__^ PS: ang ganda ganda ng crisis core at saka yung mga pics natin ha?

Gimel: Na-late ka ba tol?! hehehe salamat naman at kahit wala ka pang tulog ay sumama ka sa amin. Biruin mong suki ka pala nung videoke booth na 'yon? haha at malat ka pa sa lagay na yun ha? thanks at alam kong deadz na deadz ka na sa antok nun. Till next time. Yung iTunes mo aayusin ko next time. Blututan na lang tayo okay? ahahaha

Divine: Lagot ka! yung paper mo hindi mo napasa kasi sumama ka sa amin hehe. Salamat dahil kahit marami kang papers at staright ka pa galing class eh you graced my celebration with your divine presence. Wala ka pa ring kupas! Kahit time pressured ang videoke masaya naman. Yung iTunes mo din aayusin ko next time. Au revoir!

Nek: Nek! natutuwa naman ako sa mga balitang sinasabi mo sa akin tungkol sa mga crabs sa pharm. Hay namimiss na kita at ang ating ultimate bonding moments sa ating isang dipang kolehiyo at i'm sure may iba ka ng ka-love team sa pharm dahil wala na ako dun and for that ako ay nagseselos! joke! hahaha! basta pag ikaw ay depress text mo ako. At iwasan mo lagi ang pagdikit dikit kay Parao dahil may ulterior motive yun sa'yo. (i know *evil grin*) hehe. I miss you!


M: you were with us in spirit naman! I'm so sorry to hear that the only thing that made you come in that place was easily dissolved. Sorry naman 'tol. Di bale pinag-usapan ka naman namin nung gabing at ang iyong *toot* na sabi nila ay medyo *toot* at promise hindi ko naman napapansin. (tanungin mo na lang sila kung ano yung *toot*). Sana makabalik ka na dahil hindi kumpleto ang barkada kapag wala ka. Hindi bale yung tirang chicken eh ipapadala namin sa Cebu. Ingat ka diyan.



To those people who were not able to come but greeted me, Thank you guys so much!

Paul: thanks sa greetings thru text. though i know the reason why you greeted me in advance is to remind me of the hang-out, thanks anyways. thanks din sa pagbati on time. gift ko ha? Thanks din sa comment sa FS, basahin mo yung comment ko sa page mo, gantihan lang tayo. :D

Ate Jax: salamat! miss ko na ang ating last full show hang-outs! miss you *hugs* (musta naman ang lovelife natin?) hehe

Ate Aiza: Musta ang trinoma? ahahahaha! ang haba ng pila di ba? had i known na nandoon kayo sana sinama ko na kayo. Astig ang kung fu panda di ba? hehe Miss you as well. Salamat sa pagbati on time.

Ate precy: salamat sa call and sa text. ingat ka palagi

Ate Perl: salamat sa text. parang hindi niyo naman ako makikita sa bahay di ba? weird

Papa: Isa ka pa pa! nagkikita naman tayo sa bahay di ba? ano ba 'yun?!

Nikki: Stop daydreaming! hahaha! gising gising!

Gem: Nako gem! ang aga mo! 1 day before heheh

Divine: Ikaw naman divine akala mo 14 ang birthday mo, si Lourdes 'yun eh

M: nako isa ka pa! 15 ang birthday ko! akinse!!! sweldo! ahahaha buti nga walang social life diyan sa Cebu bwahahaha!

Boss Matet: BOSS!!!!! wow! touched naman ako sa text message mo boss! you're the best talaga!!! sayang hindi ako nakareply eh wala na akong load noon at wala na akong malay tao hehe. Astig ka talaga boss! mag-eenroll ako sa academy mo ha? intayin mo ako diyan. Miss ka na ng team! waaahhhh!

Macon: ate maxon thanks sa pag-alala. wala ka talagang palya. Oo nga masyado na tayong busy kaya hindi na tayo masyadong nakakapag-usap. Musta mo na lang ako sa mga friends natin sa bayang pinagpala, ang Obando. miss ko na kayo! kahit hindi halata at hindi ako nagpaparamdam miss ko na kayo!

Ate Marla: Ate Marla nakitext pa talaga sa'yo si Ate Con ha? hehehe salamat sa greetings ^__^

Mommy John: Mommy John!!! salamat sa pagbati sa FS. ikaw naman miss ko na din kayo no! hindi lang ako masyadong nagpaparamdam tampururot na kayo agad. Sana sa december may hang out tayo. Wala ka pa ding palya mommy john, salamat sa pag-alala. *hugs*

Pareng Dulce: pare! salamat sa pag-alala. Miss na kita mommy at ang aking inaanak. yung treat mo pag may pera na ulit ako aheheheh peace yow!

Precious: Pre! maraming salamat sa advance greetings! sweet sweet talaga ni "may" hehehe see you tonight sa work!

Monique: wow! thanks sa FS greetings! good luck sa iyong pharmaceutical endeavors

Lourdes: paano ko ba naman makakalimutan yon eh magkasunod tayo ng birthday hehe! thanks Ms. Cosme

Darl: thanks sa FS message ha? good luck sa inyo ni PJ

Issa: bangag!!! salamat sa pagbati!!! miss ko na ang bangagan session natin. good luck future Dr. Barcelona

At sa aking MMB6 Barkada...siyempre kayo pa? pasensya na mga 'tol hindi ako nakapag online nung birthday ko kasi naman busy busyhan ulit. Pero na-appreciate ko ang inyong pagbati. Next time kapag nag-OL ako isasara natin ang room at babaha ng alak okay?

Sinabawang Aliah: unang una ka sa FS ha? salamat sa pagbati hehe. sana hindi ka pa rin panis sa ref. nasaan si enervon? haha

Darly Blue Boy: Tol! late ka ngayon ka lang bumati. anyways salamat sa pagbati miss ka na namin sa room. minsan ka lang kasi nadadapa doon.

Redmask: aba! marunong ka na palang mag FS ngayon ha! hekhek. salamat sa pagbati. Yung kumot niyo ni best puff nilabahan na ba? ahahahah

Bentedos Kwago: 'tol maraming salamat sa iyong greetings fresh from Oslo Norway hehe! ang layo! salamat salamat! yung bazooka mo ingatan mo hehe. Bentedos Snorlax na rin ako

At kay Best Puff: na tumawag pa ng cellphone mula Greece maraming salamat! i love you best!! you're the best. sayang hindi kita nalasing dahil wala ako sa room. At sorry naman best may kaldereta nung birthday ko, di bale hindi ko kinain 'yun kasi naalala kita. Best, tuluy-tuloy na ba yang kay redmask? kailan ba kasal? hahahaha miss you ^__^





masyado na atang mahaba ito. If ever may nakalimutan ako I just want to let you guys knwo that i'm really thankful. really...THANKS



22 years of becoming
22 years had passed
22 years and counting


Thursday, June 5, 2008

Bittersweet

'Dun sa last post ko ay matumal ang motivations natin noong mga nakaraang araw..
pero ngayon...
presenting (drum roll please)

Certificate of Recognition for being the 3rd Top CSAT (Customer Satisfaction) Performer on Phone plus Starbucks GC and Pin

Actually, kahapon daw 'yan in-award pero absent ako (sikretong malupit kung bakit) at binigay lang kay Whea ni Boss Matet (with silent "t" sa dulo) para ibigay sa akin. I actually like the pin, and I have to beat the living daylights out of Whei just to give me that, can you believe holding the pin for ransom? Hehe. I wouldn't even bother on commenting about the Starbucks Gift Certificate. I mean....duh? Hindi man ako caffeine addict, ang price naman niya 'tol, ano mabibili ko diyan di ba? Straw lang 'ata. Pero the effort and thought is very much appreciated.

It's actually refreshing to be recognized for something you do good at. These past days, sobrang hard bottom ang mga CSAT's at mga calls ko. Biruing 6 na VERY DISSATISFIED comments at ang running CSAT ko ay 81.58% for a total of 53 surveys. Initial Reaction: 53??? Saan naman pinaghuhugot yung mga surveys na 'yun? Mga 'Kano talaga, pag hindi satisfied ang lakas ng loob mag-comment pero pag sobrang satisfied sa service mo tipid sa comment, swerte pa nga kung magko-comment siya.

I noticed right now na yung habit ko (na na-acquire ko lang din sa pharm), ang pagiging GC (read: grade conscious) Oc-Oc (read: obsessive Complusive) nung nag-aaral pa ako ay magandang disiplina sa sarili. Hindi naman pagiging "crab" ang maging conscious sa stats dahil it's part of the job. Besides ngayon mas OK maging GC sa mga bagay bagay dahil may karampatang pay di tulad nung college pa ako na ang pagiging GC ay pakikipagpaligsahan lang sa mga cronie crabbie kong classmates sa peyups.


Hindi man ako Top 1 or kahit walang trophy, nothing beats the feeling of being recognized. I love the feeling lalung lalu na pag may KUDOS ako sa customer at kino-congratulate ka ng madla. At the end of the 1-hour call, kahit flagged ka na ng kung sinu-sinung floor walker diyan at pulang 2 digits na ang AHT mo, when the customer says that she really appreciated the help you've done, and she can't thank you enough for the assistance you've given and how you are simply the best and how you made her day...it's a good warm feeling inside. it's a realization that "hey, maybe I'm doing something right and something worthwhile here". Corny no? Minsan masarap din naman ang feeling ng alam mong kahit things didn't actually turn out the way you wnated them to be, you are actually helping someone miles away from where you are and you are actually making a difference and leaving a little mark on their lives. (Note: Oha! ang lalim no? na-inspire talaga ako sa CSAT training eh..hehehe)


Hay! nakakatuwa talaga ang trabahong ito. Roller coaster ride ika nga. Minsan gusto mo nang itapon ang telepono dahil sa kabastusan at kawalang modo ng 'Kano mong kausap pero minsan matutuwa ka din naman sa kanila. Aamin ko na minsan nagtataka na ako kung bakit ganoong katanga ang mga customer ko pero naisip ko din kung hindi sila tanga...wala akong trabaho, di ba? Some may look at call center jobs to be at the very bottom of the corporate tier, but hey...for those people who think like that, try kaya nila! Although some white-collar junkie from Ayala Avenue might give the demeaning stare when he knows you're a call center agent, just think that

CALL CENTER AGENTS DO HELP PEOPLE AND TOUCH THEIR LIVES.


Monday, June 2, 2008

The Monday Blues

Noong estudyante pa ako normal na ang pagkakaroon ng monday sickness o di kaya ay monday blues. Ito ay isang psychological (at minsan ay pathophysiological) manifestation ng katamarang pumasok. Nariyan ang hindi makabangon sa higaan, mabigat na lakad para ayusin ang sarili at minsan pa nga ay biglaang pagsulpot ng sakit, be it normal sickness kagaya ng sakit ng ulo hanggang sa mga exotic na diseases tulad ng whooping cough o rockymountain spptted fever. Di ko mawari na kahit pala sa pagtatrabaho ko ay ma-eexperience ko ito.




Weekends ang day off ko dahil panalo ang team namin sa shift bidding sa floor (way to go Team Rockets!) kaya kaisa ako ng madlang working class na day-off tuwing Saturdays at Sundays. Masaya naman kapag day-off kasi kumpleto ang angkan namin tuwing mga ganung araw. Pero ika nga ni Bette Midler "good things never last" kaya ngayon ay Monday na naman at nilalabanan ko ang sakit kong katamaran. Hindi ko alam kung bakit ako biglang tinatamad pumasok, kaya tuloy marami akong kaltas sa sweldo dahil sa late at lost hours (abangan na lang natin ngayong cut-off dahil nakadalawang lates na ako...birthday ko pa naman huhuhu). Dati rati ok lang naman pumasok sa trabaho, hindi man ako overly excited ay kahit papaano ay looking forward naman akong pumasok at mag-calls. Nauubusan na siguro ako ng motivations para pumasok. Hindi kaya nagsasawa na rin ako sa trabaho ko? O baka napapagod lang ako. Burned out na siguro ako sa 6 months kong pagtatrabaho. Kaka-regular ko pa lang nung May 27 at entitled na ako sa full benefits ng kumpanya. Mukhang tama ang sinabi ng kuya ko sa ate ko dati: "hayaan mo siya magsasawa din yan" . Nagsasawa na ba talaga ako? Ang ikanakatakot ko ay baka iwan ko din to bigla bigla tulad ng ginawa ko sa pag-aaral ko. May tendencies pa naman akong maging impulsive at padalus-dalos sa mga desisyon ko. Siguro parte din ng pagkakaroon ko ng Monday Blues ay ang mga recent changes sa trabaho; natanggal ang mga tier 2 kong kasama na nagpapaganda ng stats ng team, aalis na si Boss Matet (astig pa naman siyang boss! nooo!) at saka naglilipatan na ang mga kasama ko sa PayPal AU. Ang daming nangyayari ngayong buwan. Di lang iyon, sobrang baba ng CSAT's (Customer Satisfaction Surveys) ko; kung dati bilib na bilib sila sa akin at palagi ako nasasama sa Club 100 ngayon ay sobrang bagsak ang running CSAT ko (83.something na lang the last time I checked). Isama mo pa dito ang sobrang taas kong AHT (Average Handling Time)! abot bubong sa taas! Hay nako talaga!



Dati rati madali akong makahanap ng motivation para pumasok. Nandiyang iisipin kong malapit na ang sweldo, malapit ng mag-day off, marami akong bagong natutunan sa bawat calls at kung anu-anu pang motivational excuses pero ngayon parang nauubusan na ako. Pero ngayon, hay...(malalim na buntung hininga)





All of us have bad hair days. i'm just hoping this won't turn out to be a bad hair decade...



Pahingi ng motivation!!!!

Great Find (?)

i have this weird habit of "googling" my name. wala lang just for fun. i did so just a few hours ago and my was i surprised!!! nakita ko yung old website na pinupuntahan ko para magblog (of course the URL would remain secret until further notice)...astig!!! well sort of..kasi nakita ko 'tong entry na 'to. Post date is June 13...2005 oh di ba hanep sa katandaan! almost 3 years...natatawa nga ako habang binabasa ko yung mga pinagsasabi ko 'dun. hay, young puppy love talaga..anyways, tapos na 'yun, nakapagmove on na ang lahat kaya siguro okay lang i-post siya dito. Plus, it's a barell of laughs not just for me but for those who knew me and the girl. Dun naman sa girl (at sa boyfriend niya) no hard feelings ha? okay namang tayong tatlo di ba? at masaya ako para sa inyong dalawa...

enjoy...
One Cloudy Afternoon
"She's already taken

She's already taken
She's already taken me..."


Again in the immortal words of an uncorrupted OPM band i find myself contemplating in a verse...


The day i have been afraid of has finally come...mala judgment day ang dating....hehe forgive me if it sounds melodramatic pero that would be the understatement of the century


i just found out that my nightmarish thoughts have finally been a figment of reality....


Put*** in* SINAGOT NA NYA!!!

hehe actually i found out late...mga 3 days after it became formal and all....pero actually i was one of the few people who knew...masyado ata silang secretive... i guess pag nalaman ng block, marami ang may violent reactions


pero ano naman ang magagawa ko or ng block for that matter...wala di ba??? sila naman ang involved eh...ah basta i guess hindi pa rin ang-sisink in sa kin ang mga nangyayari...how could she???? hindi ko man lang nalaman sa kanya, sa iba pa..."akala ko ba semi-kinda best bud na guy" ako sa kanya...eh bakit parang after nung "nangyari" sa min umiiwas na sya...tapos sabi pa ng kada nya "ako" daw ang umiiwas...ang gulo talaga!!!!
basta hindi ko alam ang gagawin ko...words cannot express how much disappointment i am feeling right now.... disappointed sa sarili ko dahil sinayang ko ang pagkakaibigan namin... disappointed sa kanya dahil hindi nya makita kung gano ko sya kamahal... disappointed sa aming dalawa kasi ni hindi na kami nagpapansinan....
i found out last Saturday (June 11 2005...one cloudy afternoon after Pharm110 Lec...sinabi sa kin ng isang friend ko...tapos she asked "so anong reaction mo???" sabi ko na lang "ako??? wala...ano naman ang sasabihin ko?..." after that she dropped the subject..thinking that i was too affected...ako din halos hindi ako makapaniwala sa narinig ko..."
"SILA NA...."
when i got home..that's when it hit me...f**k sila na...sinagot na nya...all of my defenses crumbled...lahat ng memories ko with her nagflashback...that dance...the text messages...her jokes...her smile...our conversations...lahat nag-flashback...that's when i realized that those memories won't happen again....i didn't even realized that i was crying already...
wala na ang bestfriend ko....wala na...wala na ang kaisa-isang taong minahal ko...
tapos naalala ko yung times na niligawan ko sya..yung time na sinabi ko na kung ano talaga ang nararamdaman ko sa kanya...ang sarap balik-balikan.
yung time na binigyan ko sya ng susi..yung time na binigyan nya ko ng chocolate bisquit..nung PharmcheM 26 Lab nya....hanggang dun sa text message nya saying "i hope you love me enough just to let me go..."
lahat talaga nag-recap in just a matter of minutes
hindi ko talaga lubos maisip kung anong nakita nya dun sa lalaking yun (kung lalaki nga sya)..alam naman ng lahat na wala talagang kwentang tao yun...pero sabi nga nya "mas kilig" nga daw sya dun kesa akin...
wala na...hanggang ilusyon na lang talaga ko....
so ano ng gagawin ko???
maghintay....
matulog....
"sa panaginip na lang pala kita maisasayaw...."


(back to reality)

hahahaha....ang pathetic talaga

You Can Also Check Out:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...