Pages

Thursday, June 5, 2008

Bittersweet

'Dun sa last post ko ay matumal ang motivations natin noong mga nakaraang araw..
pero ngayon...
presenting (drum roll please)

Certificate of Recognition for being the 3rd Top CSAT (Customer Satisfaction) Performer on Phone plus Starbucks GC and Pin

Actually, kahapon daw 'yan in-award pero absent ako (sikretong malupit kung bakit) at binigay lang kay Whea ni Boss Matet (with silent "t" sa dulo) para ibigay sa akin. I actually like the pin, and I have to beat the living daylights out of Whei just to give me that, can you believe holding the pin for ransom? Hehe. I wouldn't even bother on commenting about the Starbucks Gift Certificate. I mean....duh? Hindi man ako caffeine addict, ang price naman niya 'tol, ano mabibili ko diyan di ba? Straw lang 'ata. Pero the effort and thought is very much appreciated.

It's actually refreshing to be recognized for something you do good at. These past days, sobrang hard bottom ang mga CSAT's at mga calls ko. Biruing 6 na VERY DISSATISFIED comments at ang running CSAT ko ay 81.58% for a total of 53 surveys. Initial Reaction: 53??? Saan naman pinaghuhugot yung mga surveys na 'yun? Mga 'Kano talaga, pag hindi satisfied ang lakas ng loob mag-comment pero pag sobrang satisfied sa service mo tipid sa comment, swerte pa nga kung magko-comment siya.

I noticed right now na yung habit ko (na na-acquire ko lang din sa pharm), ang pagiging GC (read: grade conscious) Oc-Oc (read: obsessive Complusive) nung nag-aaral pa ako ay magandang disiplina sa sarili. Hindi naman pagiging "crab" ang maging conscious sa stats dahil it's part of the job. Besides ngayon mas OK maging GC sa mga bagay bagay dahil may karampatang pay di tulad nung college pa ako na ang pagiging GC ay pakikipagpaligsahan lang sa mga cronie crabbie kong classmates sa peyups.


Hindi man ako Top 1 or kahit walang trophy, nothing beats the feeling of being recognized. I love the feeling lalung lalu na pag may KUDOS ako sa customer at kino-congratulate ka ng madla. At the end of the 1-hour call, kahit flagged ka na ng kung sinu-sinung floor walker diyan at pulang 2 digits na ang AHT mo, when the customer says that she really appreciated the help you've done, and she can't thank you enough for the assistance you've given and how you are simply the best and how you made her day...it's a good warm feeling inside. it's a realization that "hey, maybe I'm doing something right and something worthwhile here". Corny no? Minsan masarap din naman ang feeling ng alam mong kahit things didn't actually turn out the way you wnated them to be, you are actually helping someone miles away from where you are and you are actually making a difference and leaving a little mark on their lives. (Note: Oha! ang lalim no? na-inspire talaga ako sa CSAT training eh..hehehe)


Hay! nakakatuwa talaga ang trabahong ito. Roller coaster ride ika nga. Minsan gusto mo nang itapon ang telepono dahil sa kabastusan at kawalang modo ng 'Kano mong kausap pero minsan matutuwa ka din naman sa kanila. Aamin ko na minsan nagtataka na ako kung bakit ganoong katanga ang mga customer ko pero naisip ko din kung hindi sila tanga...wala akong trabaho, di ba? Some may look at call center jobs to be at the very bottom of the corporate tier, but hey...for those people who think like that, try kaya nila! Although some white-collar junkie from Ayala Avenue might give the demeaning stare when he knows you're a call center agent, just think that

CALL CENTER AGENTS DO HELP PEOPLE AND TOUCH THEIR LIVES.


No comments:

Post a Comment