Pasado ala una y media na ng madaling araw pero heto at tirik na tirik pa rin ang mata ko. Ewan ko ba kung bakit ako ganito. Sabi nga sa diksunaryo isa akong nocturnal na animal parang kuwago. Pero feeling ko hindi ako matalino gaya ng pino-portray ng imahe ng kuwago. Oo nga sabi ng iba matalino ako. Sabi rin ng mga medals ko nung elementary at high school matalino ako. Hindi sa pagmamayabang pero sabi nga ng iba matalino ako. Dati bilib din ako sa sarili ko na totoo yun. At nung makapasok ako sa UP, na-fortify ang belief ko na matalino nga ako. Pero I was wrong. Boy was I soooo wrong….
Heto na naman ako. Ilang beses na ba ako nagdrama sa monitor na to na hindi naman sumasagot sa mga hinaing ko sa buhay. Halos lahat ata ng instances na nagsusulat ako sa journal kong kakarampot ang entries eh puro na lang reklamo sa buhay ang nginangawa ko. Kesyo problema sa acads, pamilya, pera at love life (yaki kadiri)…Hay buhay nga naman o! Kalian kaya yung sembreak o summer vacation na hindi ako depressed? Yung tipong ma-eenjoy ko talaga ang bawat minuto ng bawat araw dahil wala akong iniisip na problemang sasalubong sa akin pagbalik ko ng eskwelahan.
Alam ko naman ang problema ko eh. Isa akong dakilang procrastinator. Tamad ako. Hindi naman bum-level na katamaran pero compared sa efforts na binibigay ng kapwa ko estudyante sa mga academics nila, e kakaunti (relatively) ung effort na binbigay ko. Kasi naman no! Ang layo ng bahay ko sa school. Dalawang oras ang biyahe o kaya isang oras at kalahati kapag walang traffic at maraming sasakyang masasakyan. Ayan nanaman…naghahanap ako ng mga reasons at justifications para sa aking poor academic status. Defense mechanism ko na yan. Natutunan kong mas madaling sisihin ang mundo kesa sa sarili ko.
Bakit hindi na lang ako mag dorm? Sa totoo lang gusting gusto ko nang magdorm para naman gumaan na ang buhay ko, pero saan naman ako kukuha ng pang-down payment di ba? Baon na baon na ang pamilya ko sa utang tapos dadagdag pa ko? Nakaya nga ng apat kong kapatid na hindi magdorm nung mga college pa sila. Pero naman, malapit pa yung bahay namin dati sa metro manila kaya isang oras lng ang biyahe nila at the very most. Defense mechanism number two ko na.
Tapos idagdag pa natin ang haggard at academically demanding na sistema sa aking kurso at sa minamahal nating unibersidad. Naman. Bakit naman yung mga kaklase ko nung high school na alam kong hindi matlino eh deans lister sa mga ibang schools. Hindi ba unfair yun? Baka naman nag-effort sila ngayong college kaya maganda ang kinalabasan ng kanilang acad life.
Hay nako tinatamad na kong magsulat... next time na lang!